Friday, 23 March 2012

Sam Pinto


Matapos maugnay kayKylie Padilla may mga nagsasabing si Sam Pinto naman ngayon ang nililigawan ng Kapuso hunk na si Aljur Abrenica.
Sa ulat ng Showbiz Exclusive ng GMA New TV nitong Miyerkules, sinabing nagkasama sinaAljur at Sam sa isang komersiyal at dito nagsimula ang mga balitang pinormahan ngbinata ang idineklarang sexiest Pinay ng isang men’s magazine.
“Siguro naman lahat gustong ligawan si Sam… pero focus muna sa trabaho," paliwanagnaman ni Aljur.
Gayunman, sinabi ng Kapuso actor na masaya siya ngayon dahil madalas silang nagkakakasama ni Sam.
Samantala, masayang sinabi naman ni Sam na good friends lang sila ni Aljur.

No comments:

Post a Comment