Saturday, 12 May 2012

1st concert ni Jessica Sanchez, inaabangan din ng mga celebrities

LOS ANGELES - Bagama't nagpapatuloy pa ang American Idol Season 11, tiniyak na ngayon ang ilang celebrities na susuportahan ang magiging first ever concert ng Fil-Mexican finalist na si Jessica Sanchez.
Isa ang Hollywood actress na si Jennifer Holliday sa nagpahayag na makikipag-unahan pa ito sa pagbili ng concert tickets ng tinagurian niyang "soul angel."
Maging si Tommy Motolla na siyang naka-discover kina Jennifer Lopez at Mariah Carey aynakaabang na rin daw sa konsiyerto ni Sanchez.
"I am going to her (Jessica) first concert," bahagi ng e-mail umano ni Motolla kay American Idol mentor Jimmy Iovine.
Una rito, maraming music experts ay sinigurong mayroon ng naghihintay na life historypara kay Sanchez kahit hindi ito ang mag-uwi ng korona sa sikat na kompetisyon sa Amerika.
Ilan sa mga nagpahayag ng interes para kunin ang 16-anyos na high school scholar ay ang singer na si AKON, guess na si Randy Jackson at anak ni John Lennon na si Julian.
Ngunit sakaling tanghalin bilang bagong American Idol, gagawa ng kasaysayan ang half-Pinay finalist bilang pinakabatang Idol competition na naging kampeon.
Samantala, sa July 6 ang kick off ng summertime tour na magsisimula sa Joe Louis Arena sa Detroit at matatapos sa September 11 sa Bradley Center sa Milwaukee.
Pero wala pang schedule kung kailan ang unang solo concert ni Jessica.

No comments:

Post a Comment