
Pasado ang dalawa sa 112 pounds weight limit para sa kanilang ikatlong paghaharap na gaganapin bukas sa Ynares Plays Arena sa Pasig City.
Ang Pinoy champion na tinaguriang "The Hawaiian Punch" ay hangad na makaganti kay Romero.
Kung maaalala noong taong 2006 ay naagaw ni Romero ang WBC world light flyweight title kay Viloria at pagkalipas ng tatlong buwan ay nauwi naman ang kanilang rematch sa no-decision contend matapos na mabarnsigo sa post-fight drug test ang Meksikano.
Ayon kay Romero na binansagang "Giant Killer" inaasahan na niya na giyera ang mangyayari sa kanilang pagtutuos laban dahil alam niyang naghanda ng husto si Viloria.
Tiniyak ng kampeon na ibang Viloria ang haharap kay Romero dahil matindi ang ginawa niyang training upang makapaghiganti.
Tampok din sa laban bukas sina Rodel Mayol at Julio Cesar Miranda na kapwa na rin nakaharap sina Omar Romero and Brian Viloria.
No comments:
Post a Comment