Saturday, 12 May 2012

Region 12 over-all champion sa secondary boxing sa ika-3 taon na

GENERAL SANTOS CITY - Kinumpirma ni DepEd-Sarangani Schools Section superintendent Dr. Allan Farnazo sa Bombo Radyo GenSan na idineklara na overall champion sa secondary boxing sa Palarong Pambansa 2012 ang Rehiyon 12.
Sinabi nito, pangatlong taon na ngayong hinahawakan ng rehiyonangnasabingtitulomulapanoong2010.
Ayon kay Farnazo, malaking karangalan para sa GenSan ang pagwagi sa boxing kung saan kabilang sa gold medalist ay si Jade Bornea na nagmula sa Aracan Valley na nakatira sa Purok 4, Brgy. Ligaya ng lungsod ng GenSan.
Idineklara din itong Best Champion of the Year sa Palarong Pambansa ngayong taon.
Habang napanalunan din ang dalawang silver medal sa boxing nina Boy Bryan Daygon na taga-Maasim, Sarangani province at Hesnid Rey Dominggo na mula naman sa Sultan Kudarat.
Ngayong araw pormal na magsasara ang kompetisyon at awarding ceremony.

No comments:

Post a Comment